Tuesday, May 15, 2018

For Nana

Published on May 11, 2014 FB

Bagamat wala ka na
Tila ika’y buhay pa
Sa aking bawat paghinga
Kilos at gawing namana

Kay bilis hiram na sandaling
Biyaya na maituturing
Ang buhay mong mula sa Maykapal
Aking inang pinakamamahal

Alam kong di na mauulit
Makapiling ka kahit saglit
Maliban kung tayo’y magkita
Diyan sa langit kung nasaan ka

Di ako nagmamadali
Na magkita tayong muli
Ngunit nais kong ialay sa’yo
Munting tulang galing sa puso ko

Wala ka man sa tabi ko
Utang sa’yo ang buhay ko
Lubos na ipinagmamalaki kita
Maligayang araw ng mga ina, Nana!!!

No comments: