Mahirap maging haciendera
Lalo kung wala kang tauhan
Ikaw lang nagdamo mag-isa
Habang naliligo sa putik at ulan
May kapitbahay na lumapit
Na may dalang itak
Sa puso ko'y napakapit
Wag naman akong masaksak
Sabay initak ang sanga
Ng mga halaman at puno
Nang matapos ako'y nakahinga
Diyos ko po salamat po!
Tuesday, July 3, 2018
Subscribe to:
Posts (Atom)
