October 20, 2017
Ako'y madrama
Pag may .....
Ika'y naaalala
Lalo't di nagkita
Bakit kaya
Ako'y nagtataka
Dahil lang ba
Ako'y nangungulila
Ako'y umasa
Ika'y makita
Walang pag-asa
Lalo't aalis ka
Tagal pa ata
Bago makita
Matitiis pa ba
Baka hindi na
Dama ko pa
Iyong pagkalinga
Kahit nga
Malayo ka
Paano pa
Pag masilayan ka
Anong saya
Ang madarama
Hiling ko sana
Mag-iingat ka
Saan man magpunta
Ligtas sa sakuna
Tiis-tiis pa
Walang magawa
Maghihintay talaga
Kahit nagdurusa na
Muli ring magkita
Puso'y sasaya
Tama na drama
Patula-tula ka pa
Tapusin ko na
Itong tula
Tula nga ba
Siguro nga
Saturday, October 20, 2018
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment