Friday, August 10, 2018

Ang Paghihintay

August 9, 2017 21:00 FB
Ang paghihintay

Minsan sa ating buhay
Tayo'y naghihintay
Tila sa buhay ko
Napakadalas nito

Sa bawat oras na lumipas
Pag-asa'y kumukupas
Kagandaha'y nahuhulas
Sinuswerte, minamalas

Ngunit walang magawa
Kundi mangarap at umasa
Na darating ang hinihintay
Kahit sa dulo pa ng buhay

Ngunit paano kung ang tunay
Ikaw pala ang hinihintay
Buong buhay nag-abang
Yun pala'y ikaw ang nagkulang

Kay tagal minimithi
Nandyan lang pala sa tabi
Hinihintay lang na mamulat
Na ika'y hindi salat

Nainggit sa iba
Dahil tinignan ang wala
Samantalang higit pa
Ang iyong tinatamasa

Akala'y naghihintay ka
Nagpapasalamat pala
Sa lahat ng biyaya
Kaloob ng Diyos na dakila

No comments: